top of page

Axle Christien Tugano

Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag, Bulacan

Abstrak
Pumoposisyon ang pananaliksik sa pag-aambag ng kaalaman ukol sa somatikong lipunan o pag-aaral sa kultural na kahulugan ng katawan at pangangatawan sa unang banda, habang pinahahalagahan ang saysay ng mga salaysaying bayan sa kabilang dako. Matagal nang sinikil dulot ng “konserbatismo”, o ‘di kaya paglilimita sa usaping may kinalaman sa genitalia, ang butò (titi) at puki gayong sa mga nagdaang dekada ay patuloy na pinagyayaman ang teoretisasyon sa “pagkatao” at “kaisipang” Pilipino. Paano mauunawaan ang kabuoang pagkatao at kaisipan ng mga Pilipino kung hindi isasangkot sa talastasan ang mga genitalia na isa ring bahagi ng katawan ng tao at nagtataglay ng sariling kahulugan? Kung kaya’t dahil sa nakasagkang elemento ng diskurso kaugnay nito, hindi natin lantad na nababanggit ang mga salitang may kinalaman sa seks at genitalia. Bilang resulta, ikinukubli natin sa samot- saring euphemismo at/o metapora at direktang simbolismo upang pababain ang tensiyon ng komunikasyong para sa iba ay “seksuwal” at “mahalay.” Isa sa matagal nang iniuugnay sa mga genitalia ay ang mga kagamitan at prosesong agrikultural ng mga Pilipino katulad ng bigas, prutas, gulay, halaman, at iba pa. Ito ay naging bahagi ng paglilinang, pagpoprodyus, hanggang sa paghahanda sa hapag-kainan ng mga Pilipino. Nailarawan ang mga pisikal nitong estrukturang nasukat sa haba o ikli at/o laki o liit. Gayon din ang gustasyong paglalarawan na nasukat sa pamamagitan ng dila—sarap, labnaw, lapot, at iba pa. Bagama’t patuloy na ginagamit at/o naririnig sa pang-araw-araw na pamumuhay, hindi pa ito gaanong nabibigyan ng malalimang pagsusuri. Sa pamamagitan ng pagkalap, pag-uugnay, at pagpapahalaga sa mga salaysaying bayan, tutuklasin ng pag-aaral ang simbolismo ng butò batay sa mga kagamitan, proseso, at produktong nakaugnay sa agrikulturang Pilipino.

Mga susing salita: pagkakatawang-tao at korporealidad, kultural na taboo, katawan at kahulugan, simbolismong agrikultural

 

APA Reference Entry: 

Tugano, A.C. (2025). Kahubaran at komunikasyon ng katawan: Isang phallikong simbolismo sa kagamitan at prosesong agrikultural ng mga Pilipino. PCS Review, 17(1), 143-186.

Kahubaran at Komunikasyon ng Katawan: Isang Phallikong Simbolismo sa Kagamitan at Prosesong Agrikultural ng mga Pilipino

CONTACT US

Thank you!

We will get back to you as soon as we can!

Philippine Social Science Council Building

Commonwealth Avenue, Quezon City, Metro Manila

1101 Philippines

info@philscomsoc.org

​© 2025 Philippines Communication Society

bottom of page